Assistance to sick arriving OCWs, Assistance to sick arriving OCWs
seti
Posted: Apr 11 2009, 11:00 PM


Newbie


Group: Members
Posts: 1
Member No.: 144
Joined: 11-April 09



Ninoy Aquino International Airport heartless airport to sick overseas contract workers

Ang kuya ko ay nagtrabaho sa saudi for 16 years. Nitong March 22, natagpuang nakalugmok sa quarters nya... na stroke pala sya.

Nasa ICU sya ng mahigit sa 4 na araw bago naipaalam sa amin na na-stroke sya. Kung hindi pa pinagmalasakitan ng mga kasamahan sa trabaho ... paano na lang kaya. Gumaling na kaunti pinalabas sa Ospital at bumalik sa quarters nya. Mula nuon mga kasamahan sa trabaho ang nag-aasikaso. Sabi nila wala naman daw brain hemmorage... hindi lang sya makapagsalita at mahina ang kanang bahagi ng katawan. Terminated na sya sa trabaho, nakakuha sya ng 3 buwang swedo bilang separation pay.

Napa schedule syang umuwi Good Friday, April 10... ang sabi sa amin me mag-aassist naman daw sa kanya sa paguwi nya. Dumating sya sa Manila lulan ng Cathay Pacific Airlines ng Black Saturday, April 11, 445pm.

Kami ng hipag at pinsan ko ang mag susundo sa kanya dumating kami ng alas quatro ng hapon. Nagtanong sa mga security kung pwedeng makapasok dahil darating ang kuya ko na nagkasakit. Ang sabi sa amin, pumunta kami sa Cathay office, 4th floor at humingi ng assistance and pass. Pumunta ako at humingi ng tulong. Ang sabi sa aki ng 4 na empleyado duon ... sorry ma'am hindi namin kayo mabibigyan ng pass dahil hindi kami ang nag iissue nun. Dapat ho pumunta kayo sa NAIA Pass Control at duon humingi ng pass subalit kailangan nyong mag request ng 3 or a day before ng dating ng pasyente nyo ( naisip ko lang... di kaya nila naintindihan na darating ang kuya ko ngayon? anong tulong ng impormasyong naibigay nila sa akin nung oras na iyon). Ang sabi pa sa amin... meron naman pong nag aassist pag baba ng pasyente. Nagpasalamat ako sa staff sabay talikod ... hindi naman pala nila ako matutulungan.

Bumalik kami sa security na nagsabi sa amin ng impormasyon na pwede kaming humingi ng assistance sa airlines. Nakiusap sana makapasok kami, kahit dun lang sa pangalawang palapag pag baba ng mga pasahero dahil sa wala naman kaming sasakyang dala at kukuha lang kami ng airport taxi. Pero nakagalitan kami sa pangungulit namin at huwag daw kami mag reklamo sa kanya dahil sa tinuruan naman nya kami kung kanino lalapit. Pinababa kami at duon na lang daw kami mag hintay sa mga hantayan ng pasahero. Nagbakasakali uli kami sa isang security-- pinagpayuhan kami ng makiusap sa PNP office na malapit duon. Pumunta kami pero wala rin naman silang nagawa.

Pare-parehas ang sinabi nila meron namang mag-aassist sa kanya duon at hindi naman sila mapapagod dahil isa-sakay naman sa wheel chair ang pasyente.

Wala na kaming magawa. Nag antay sa waiting area. Isang oras ang nakalipas, hindi pa rin namin nakita ang kuya ko.

Nag tanong sa security ang sabi ipa-page namin sa may tindahan o di kaya mag tanong sa airlines kung nakasakay at dumating nga sya. Bumalik ako sa Cathay Pacific Office sa 4th floor ng NAIA, humingi uli ng tulong... nagtanong kung dumating nga ang kuya ko. Ang sabi sa records nila dumating naman daw dahil sa na-isyuhan ng boarding pass. Itinawag sa paging system. Sa wakas, me tumawag sa hipag ko (isang ka-OCW na tumulong sa kuya ko)... nasa taas daw sila (saang taas?). Makalipas ang 10 minutes tumawag uli .. nasa baba na daw sila. Nakita ng hipag ko ang kuya ko... naglalakad ... nakabaston lang (nasaan ang assistance na sinasabi nila?). Tinanong ng hipag ko ang security sa baba kung pwedeng salubungin sa loob ... dahil sa kukuha din ng taxi duon. Hindi pumayag ang security dahil sa bawal daw. Sinabi nya na na-stroke ang sasalubungin nya... pero hindi pa rin pumayag dahil bawal daw.

Sinabihan na lang ng hipag ko sa kasamahan ng kuya ko na pasakayin na lang ng taxi at sasalubungin na lang namin malapit sa labas. Pumuwesto kami sa tabi ng daan malapit Exit road at merong isang van na tumabi at nag tanong ang driver... kayo po ba ang kasamahan ng pasahero ko? Sa wakas, pagkatapos ng 2 oras nagkita kami ng kuya ko. Yung isa pang security na pinakikiusapan naman ... sumulip sa van.. nang usisa...nag tanong sa driver-- na-stroke ba? Sabi ng driver... oo kawawa naman mag isa lang.

Sinulat ko ito dahil nalulungkot ako. Sana hindi na ito maulit sa mga darating pa na OCW nagkasakit at me special na pangangailangan.

Nagpapasalamat ako sa mga staff ng Cathay Pacific Airlines, at ng NAIA. Nagampanan nila ng husto ang kanilang mga tungkulin. Dahil dito dalawang oras bago namin nakita ang kuya ko. Di namin alam kung anong nangyari dahil hindi nga sya makapagsalita ng maayos.

Sa isang OCW na umuwi na me sakit, ano nga kaya ang nararamdaman nya sa dalawang oras na iyon? Sa mga ka-anak na naghahantay sa pagdating ng isang OCW na me sakit, ano sa palagay nyo ang nararamdaman nila?


Gumagalang,
S Escandor
Top
1 User(s) are reading this topic (1 Guests and 0 Anonymous Users)
0 Members:


Topic Options


 
 

Hosted for free by InvisionFree (Terms of Use: Updated 7/7/05) | Powered by Invision Power Board v1.3 Final © 2003 IPS, Inc.
Page creation time: 0.0291 seconds | Archive

Site currently maintained by DLSU-BSCS-ST RELSFOR team.
E-mail us at cmaforum@gmail.com for forum concerns.
Copyright (c) February-April 2008